At nakakapanliit! Oh-em! Gravity. :) Mga mayayaman, magaganda, Inglesera, mga party people. Hehe. Nakakapanliit talaga. Ako na ang naka-T shirt lang at pants. Sila na ang naka-shorts, magarang damit, gadgets na mamahalin (I guess?).
Whew! Pero OK lang ‘yan. Sana meron pa rin akong maging friends dun. At least merong isa?? Hehe. Friendly siya eh. Frances from EDNAS. :))
Nakakagulat naman ang exam namin kanina. Kasi dumating ako sa AHEAD @ 7:37. Log in muna dun. Pagpasok ko, ang nandun palang eh isang babae at isang lalaki (may itsura din kaso mukhang seryoso masyado, hehe, shunga). Nabigla siguro ako sa lamig kaya napapa-ubo ako. Nangangati pa nga lalamunan ko eh. Pero sa sobrang katahimikan sa room, eh pinigil ko na lang dahil nakakahiyang mag-ingay. Ni usog nga lang ng upuan eh nakakahiya din eh. ^^
Then ayun, dumating na yung mga iba kong mga kaklase. At nagsimula na akong manliit. Para akong shunga dun na nakaupo lang. Kasi yung mga kasama ko, may kausap, may gadgets… Hay, tunganga lang. Buti na lang dumating na sila Kat at Llana. Yhey! May kausap na ako at last.
Sp nag-exam kami. Nakakabigla kasi syempre on vacation mode ako. Hindi ako prepared! Di nga ako nagbasa kagabi. Kaya siguro ambaba ng nakuha ko. Tapos andami ko pang di nasagutan… Hayst. OK lang. Practice naman. :)
In-arrange na yung mga upuan namin kasi maingay daw kami. Nasa harapan kasi kaming tatlo, gitnang desk. Buti na lang hindi na ako nilipat. Pati si Kat. Si Llana lang ang nilipat. Pero tabi ko pa rin ng desk. Hehe. Sabi nga ni Frances, ‘inseparable’.
Pumunta kaming CSI at kumain sa Tokyo Tokyo. Puntang NBS, of course! Maari bang mawala ‘yan?? Hehe. Naglibot-libot at naguusap tungkol sa aming mga ‘fashionable must-haves and wants’ (ansaveh?) Then bumili ako ng French Fries dahil gutom na ako. Nakauwi na dito sa bahay ng mga 5 ata. Hehe.
Andami ko sigurong nagastos ngayong araw??? Eh pagkain at pamasahe lang yun ah. Aysows! Mamaya ko na cocomputin ang mga nagastos ko at pamasahe back and forth.
Speaking of pamasahe. Grabe kaninang umaga bago ako nakatapak sa AHEAD. Kabadong-kabado na ako. Kasi nga mag-isa lang ako, di ko alam ang mga dinadaanan ko dahil may mga detour, di ko alam kung anong tawag sa bababaan ko kaya dinidiscribe ko pa yung bababaan ko kesa sa sabihin kung anong specific na tawag nila dun, di ko alam kung magkano ang pamasahe kaya alam na alam ng lahat na inosente ako sa foreign land.
Pero nakaraos naman. Bukas ulit….
Oh-em! MATH kami bukas. As in 4 hours straight na MATHEMATICS. Grabe! At meron pa kaming klase sa Saturday, MATH din ata. Ang ganda namang pambungad. Hehe.
Expecting a better day tomorrow.
*napag-usapan nga pala namin nila Llana at Kat na mag-get-up nga rin kami bukas, tuck-in daw, para mature! Haha..* ^^
